DENR Hymn
DENR Hymn (lyrics)
Himig ng lahi, tinig ng lipi
Sa salinlahi nagsasabi,
Gubat halaman, dagat nating yaman
Ating alagaan magpakailanman
Chorus:
Halina bayan at magkapit bisig
Ipagtalastasan sa buong daigdig,
Inang kalikasan lagi mong ingatan
Inang kalikasan ating tahanan
Sa kagawaran ang ating panata
Likas yaman ay gawing sagana
Angking talino ng ating katutubo
Ating igalang, ipagsanggalang
Repeat Chorus
Inang kalikasan ating tahanan
Ahh…